Ang daming pagsubok na dumating sa buhay ko.. May madali, may mahirap.. Ang sigurado ko lang, ang mga ito ang patuloy na nagpapatibay sa aking buhay.. Tumutulong upang magliwanag ang landas na aking tutunguhin..
"Hello!!" -- iyan ang madalas na mamutawi sa aking bibig.. Ako'y tila kandidato sa eleksyon na nangangalap ng boto sa bawat estudyanteng masalubong.. Marahil ang iba dyan, iniisip na pa-epal ako kaya ko ginagawa yun.. Pero nagkakamali sila.. Ang mga estudyanteng yan, kahit na hindi ko masasabing "CLOSE FRIEND" ko ay minsang naging parte na yan ng buhay ko.. Mayroong mga naging schoolmates/classmate ko nung elementary, mayroon namang naging kasamahan ko sa Cheering squad.. Kahit na hindi ko sila naging kalapit, kabilang pa rin sila sa mga nagbigay kulay sa buhay ko.. Ewan ko ba kung bakit nagkukwento ako ng mga ganitong bagay.. Marahil sa kadahilanang malungkot ako ngayon..
Ang parteng ito ng buhay ko ay ang parteng masasabi kong halos wala na akong malapitan/masandalan sa kabila ng sobrang kalungkutan na aking nararamdaman.. Marahil di nila ramdam dahil kaagad na bumubungad sa kanila ang ngiti sa aking mukha, kaagad na naririnig nila ang napakalakas na halakhak galing sa aking bibig.. Ngunit ang mga ito ay paraan ko lamang para maikubli ang tunay na hinanakit ng puso ko..
Tila walang katapusan ang gabi.. Nababalot ng dilim ang buong paligid sinabayan pa ng panaka-nakang pagbagsak ng ulan.. Gusto kong titigan ang mga bituin ngunit takot ako.. Sa madaling salita, gusto kong hangarin ang aking mga pangarap ngunit takot ako.. Takot na baka hindi ko ito maabot at ako'y tuluyang masaktan..
Nitong nakaraan, nagtuloy-tuloy ang pagkahilig ko sa pagbabasa.. Pagbabasa ng mga librong inilimbag ni Ginoong Bob Ong.. Laking pasasalamat ko sa mga libro niya dahil nabasa ko doon ang tunay na kahulugan ng buhay.. Dahil dito, lalo tuloy nadagdagan ang pagka-emo ko.. Minsan nag-iisa ako sa asotea, nagpapahangin.. Inaalala lahat ng mga nangyari sa aking nakaraan.. Yung mga dati kong BESTFRIENDS na talaga namang pinagkatiwalaan ko.. Gustong kong ibalik yung mga panahong nagkamali ako at naligaw ng landas..
Sa kasalukuyan, may BESPREN ako.. At mayroon ding pangalan na isinisigaw ng puso ko.. Sapat na sila para makuntento ako sa buhay ko.. Halos wala namang kulang sa buhay ko ee..
Monday, November 14, 2011
Saturday, October 1, 2011
I| After ilang months, muli ko na namang nakausap si Ian.. Hindi ko na kasi kayang itaas pa yung pride ko.. Kaya napagpasyahan ko na patawarin ko na siya.. And besides, he still my bestfriend.. Ilang days rin kaming nag-usap.. SO ilang days rin ako naka-SMART.. Honestly, super na-miss ko siya.. Haha.. Pero kahit na na-miss ko siya, nagawa ko pa siyang sumbatan dun sa mga ginawa niyang kasalanan sa akin.. :))
II| The Balagtasan Thing.. haha.. It's so unexpected.. Dapat sa Folk dance ako kasama ee.. Kaya lang kinuha ako ni Ma'am Mayrina para sa Sabayang Pagbikas (speech choir).. Then, ni-try niya ako sa balagtasan.. Ayon, nakuha ako.. haha.. Nakakahiya nga ee.. Nagkasakit pa ako nung mismong araw ng competition.. Pero syempre, the show must go on.. :))
III| Top Thirteen.. Nakakainis!! Pagkatapos lahat ng paghihirap ko, hindi ko man nagawang masali sa top 10... :(( Nakakalungkot mang isipin, kailangan pa ring tanggapin.. Yun na siguro ang pinakamalungkot na araw sa buong highschool life ko.. Well, wala tayong magagawa.. Hindi naman ako bitter sa mga nakasama sa top 10.. Alam ko naman na may mas magandang plan si Lord kaya ganun ang ginawa niya.. :))
IV| CHED SCHOLARSHIP.. Kahit na hindi ako kasama sa top 10, pinalad naman akong maging isa sa mga CHED SCHOLARSHIP Examinees.. Isa tong once in a life time na opportunity para sa aming mga piling estudyante, kasi kung makakapasa kami dito ay makakapag-aral kami ng libre sa mga ginusto naming 4 year courses at sa kahit anong school dito sa bansa.. :))
V| CHEERDANCE.. Nag-audition ulit ako para sa cheerdance, at sa kabutihang palad ay natanggap ulit ako.. :)) Pero sa kasamaang palad ay sumabay pa ang cheerdance sa review namin para sa CHED SCHOLARSHIP so hindi kami nakaka-attend.. :(( Kaya nga hindi ko na ine-expect na papasa ako sa scholarship na yun ee..

Friday, September 2, 2011
Goodbye Sir Frank
September 2, 2011
Isa ito sa mga araw na hindi ko makakalimutan.. Isang nakakapagod na araw.. Sabi nga nila, naghalo ang kasiyahan at kalungkutan..
Kasi ngayong araw na ito, aalis ang isang napaka-importanteng tao sa paaralan ng Camba.. Isang tao na minsan nang nagbigay kaalaman sa mga estudyante nang nasabing paaralan.. Isang gurong tumatak sa kanilang isipan..
Ang gurong aking binabanggit ay si Mr. Francis "Frank" Guevarra..
Payat ang pangangatawan at mapupuna sa mukha ang mga marka ng katandaan.. Ganyan kung mailalarawan ko si Sir Frank.. Pero tulad nga ng sabi ng iba, siya ay isang napaka-ulirang ama at guro sa bawat estudyante sa Camba..
Mayroon ding paniniwala ang guro na ito.. "Makinig ang gustong makinig.. At sa mga ayaw makinig, wala naman akong karapatan para pilitin kayo".. Oo.. Ganyan nga siya.. Yung bang tipong nagsusuntukan na kayo dun sa pinakalikod, wala pa rin siyang pakielam.. Kaya nga minsan parang hindi na siya binibigyan ng respeto ng kanyang mga estudyante..
Isa talaga si Sir Frank sa mga gurong hinding hindi ko makakalimutan.. Unforgettable kasi talaga ang maging isang estudyante niya..
Bilang pasasalamat naman sa kanya ng section namin, hinandugan namin siya ng awitin.. At ang awiting iyon ay ang awitin ni Yeng Constantino na pinamagatang "Salamat"..

Thursday, September 1, 2011
LOSER
Hayy naku.. Ewan ko.. Masyadong naguguluhan ang pag-iisip ko.. Akala ko isang tipikal na araw lang toh.. Pero nagkamali ako... Sa isang salita, nagimbal ang lahat.. Natigil ang pag-ikot ng aking mundo at ang pagtakbo ng oras.. Tila ba, pinindot ni Lord ang pause button ng remote control ng life ko..
10:30 na nang umaga nang napagpasiyahan kong pumasok na sa school.. Kasi nga may practice kami para sa intermission number namin para sa Farewell Party ni Sir Frank.. Masaya kaming nagpraktis.. Bumuo ng mga plano..
Bandang 12:05 ng tanghali, pinatawag kami ng adviser namin na si Mrs. Changcoco.. Pagdating namin sa room, kanya-kanyang gawa ang bawat isa.. Merong gumagawa ng assignments sa ibang subject, merong nagrereview, merong nagmememorize ng report sa Filipino at mayroon ding nagsusulat ng lecture.. Pero tila napukaw ang atensyon ng lahat nang sabihin ng aming guro na iaanunsyo na niya ang top 10 ng aming klase.. Tahimik ang lahat.. Marami ang nagulat sa mga pangalan na nabanggit.. Ngunit nang matapos na ang pag-aanunsyo ay ako din mismo ang nagulat ng sobra.. Wala!! Bakit hindi nabanggit ang pangalan ko?? Nanlamig ako.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na iyon.. Kinakausap ako ng adviser ko ngunit parang wala ako sa aking sarili.. Ni hindi ko nga matandaan kung ano ang kanyang mga katanungan sa akin sa mga oras na yun at kung ano ang mga isinasagot ko sa kanya.. ANg tanging natatandaan ko lang ay nung puntong tinanong niya ako, "Malungkot ka ba?".. Parang natauhan ako sa tanong na iyon.. Marahan akong tumango.. Pero wala akong nararamdaman.. Parang biglang nagmanhid ang buo kong katawan.. Nabigla na lang ako sa biglaang pagtulo ng aking luha.. Hinagod ni Jojie yung likod ko, sabay sabing "okay lang yan".. Gusto kong magsalita pero di ko magawa.. Gusto kong sabihin na "nasasabi mo lang yan dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko".. Ngunit biglang sumigaw yung classmate ko, "ma'am umiiyak na po si marthy.." Peroo tila walang narinig ang aking guro.. Patuloy parin siya sa pagsasalita..
Buong araw, tulala lang ako.. Ewan ko ba kung bakit nagkakaganito ako.. haiisttt...

Tuesday, April 19, 2011
.. MY FEELING IS NOT WELL ..
It's weird na bigla na lang sumama ng ganito ang pakiramdam ko.. Hindi naman ganito kahapon ee.. It is all started pagkatapos kong iPUBLISH ung post kong pinamagatang DEATH na kung saan ay aking sinariwa ang mga batang aktor na pumanaw..
Pagkatapos kong iPUBLISH yung post ko na iyon ay ang biglaan namang Black out.. Hindi ko alam kung coincidence lang iyon.. Napagdesisyonan ko nuong lumabas upang duon ay magpahangin.. Pero may kakaiba akong naramdaman.. Parang may nagmamasid sa akin.. Napakaweird talaga ng pangyayari..
Dumating na mom ko at ang mga kapatid.. Kumain kami sa terrace.. Habang kumakain kami ay ang biglaan namang pagdating ng napakalamig na hangin.. Hindi ko na pinansin ang mga misteryong nangyari nang gabing iyon ngunit iba na talaga ang pakiramdam ko noong humiga na ako sa kama ko..
Kasabay ng kakaibang pakiramdam na iyon ay ang pag-iisip ko na baka iyon na ang huling gabi ko.. Hindi maayos ang pagtulog ko.. Sobrang nahirapan ako.. Pero thanks GOD, heto ako.. Still alive and kicking.. Masama nga lang pakiramdam.. Pero ang importante ay ligtas ako.. :')

.. Torpe ..
Argghhh!! Naiinis talaga ako sa sarili ko.. Napakatorpe ko kasi.. Kaya kong sabihin na yung love ko siya pero hindi ko naman magawang ligawan... :'(
2nd year ako nung makilala ko ang babaeng hindi ko aakalain na makakapagpabago ng aking buhay.. Siya si Amira Velasquez.. Transferee siya.. Naging close kami.. Hindi naman sa close na close pero laging siya yung kasama ko.. Then i realized one day na nafall in love na ako sa kanya.. Hindi ko naman sinasadya ee.. Akala ko kaibigan lang talaga ang magiging turing ko sa kanya.. Dumating na dun sa point na tinatanong na ako ng mga classmates ko kung ano yung namumuo sa amin ni Amira.. Hanggang sa napaamin nila ako na gusto ko siya.. Hindi ko nga alam mararamdaman ko noon eh.. Meron nang gumaan yung loob ko kasi nasabi ko na yung nararamdaman ko at merun ding yung nahihiya na akong lumapit sa kanya...
Naging past time na ng mga matatabilang dila ng mga classmates ko yung feelings ko para kay Amira.. Ewan ko nga sa kanila eh.. Bakit ayaw nilang tigilan yung pang-iintriga nila sa amin.. Dumating pa yung punto na napagkatuwaan ako ng mga classmates ko at pinagpropose ako kay Amira.. Ako namn tong uto-uto.. Ayun nagpropose ako kay Amira...
3rd year ako nung pigilan ko yung feelings ko sa kanya.. Ayaw ko na kasing natsitsismis siya nang dahil sa akin.. At saka nandidiri siya sa akin dahil sa hitsura ko eh.. Kaya i decided to let her go.. Hindi ko na pinilit yung sarili ko sa kanya.. Hanggang sa isang araw, nagkaroon kami ng open forum.. And sa akin natapat yung question.. Sino daw ba mahal ko.. Sa point na iyon hindi ko alam ang isasagot ko.. Parang hindi ko na napigilan yung feelings ko at ayun sinabi ko sa harap nila na si Amira ang kaisa-isa kong mahal..
Last week na ng klase.. Normal lang nman yung araw eh.. Pero kinompronta ako ni Amira.. Gusto niya daw sumama sa akin at magpapakilala daw siya sa mga parents ko.. Hindi ako pumayag kasi alam ko pinaglalaruan niya lang ako pero nagulat ako sa sinabi niyang bakit hindi ko pa daw kasi siya ligawan.. That day, medyo tulala ako.. malalim ang iniisip... Hanggang sa napag-isip isip kong ligawan siya.. Kaya lang hindi ko magawa.. Sobrang torpe ko kasi at saka hindi ako marunong manligaw ee.. Takot din ako na baka masaktan lang ako..
Hindi lang niya alam kung gaano ko kagusto na ligawan siya pero hindi ko lang magawa kasi alam ko maraming nanliligaw sa kanya na mas gwapo sa akin.. Na mas malakas ang appeal.. Na hindi niya ikakahiya.. I always love her.. Hindi ko nga lang maipakita sa kanya ang pagmamahal ko.. :'(

.. DEATH ..
Ang kamatayan.. Siguro lahat tayo ay kinatatakutan na dumating ito sa buhay natin.. Pero sabi ng nanay ko sa akin, "Bakit ka matatakot, eh dapat nga masaya ka noon kasi makakapiling mo na ang Diyos sa kanyang Banal na Kaharian." Tumatak sa aking isipan yung sinabi niyang iyon.. Lagi ko ngang iniisip kung paano iyon?? Parang ang hirap gawin.. Pero I realized na tama siya.. Dapat tayong maging masaya lalo na at isang walang hangganang buhay ang madadatnan natin roon..
Usually, ang madalas na pumapanaw ay mga may edad na.. Nakatatak sa isipan ng mga napakaraming Pilipino na ganun ang laging daloy ng istorya.. Pero matagal ko nang tinalikuran ang paniniwalang iyon dahil naniniwala ako ngayon na walang pinipiling edad ang kamatayan..
Isang patunay dito ang kamatayan ng batikang actor na si Rico Yan noong March 29, 2002 dahil sa Cardiac Arrest habang siyang nahihimlay.. Sa mga panahong iyon ay 29 taong gulang pa lamang siya.. Napakabatang edad para sa kanya para kunin na ni Lord.. Pero wala tayong magagawa.. Tinatayang 10,000 Pilipino ang dumalo sa kanyang burol noong taong iyon.. Napakasakit sa mga napakaraming Pilipino ang pagkamatay ng isang batikang aktor tulad niya.. REST IN PEACE Mr. Rico Yan...
6 na taon ang lumipas, namayagpag ang pangalan ng bagong aktor na si Marky Cielo dahil sa pagganap niya sa iba't ibang mabibigat na role sa industriya ng telebisyon.. Kasagsagan noon ng Filipino remake ng channel 7 sa Brazilian tv series na La Lola noong kumalat ang balitang pumanaw na siya.. Noong una ko itong marinig ay hindi ko ito pinaniwalaan pero nang mapanood ko na ito sa Startalk ay nakupirma na ngang pumanaw na ang nasabing aktor.. Noong una ang sabi ng sanhi ng pagkamatay niya ay bangungot ngunit kalaunan ay may pumutok na balita na siya raw ay nagsuicide at hindi binangungot.. Pero ganon pa man, sa edad na 20 ay nakakagulantang talaga ang balitang ito.. REST IN PEACE Mr. Marky Cielo
2 years later... Inakala ng lahat na tapos na iyong mga ganoong kaganapan sa mundo ng SHOWBIZ.. Ngunit last April 17, 2011.. Pasadong 12:20 ng madaling araw ay idineklarang patay na ang young actor na si AJ Perez sa edad na 19.. Dahil ito sa pagsalpok ng isang bus sa sinasakyan nilang van.. Siya lang ang hindi nakaligtas mula sa aksidente.. Isang inosenteng batang walang kamuwang muwang sa mga pangyayari dahil sa kanyang pagkahimlay.. Sabi sa mga reports ay multiple head injury ang kanyang ikinamatay ngunit nang gawan ng autopsy ang katawan ng batang actor ay nakitang tumusok ang kanyang ribs sa kanyang puso at left lung.... Nung una kong mabasa ang balitang ito sa facebook ay hindi talaga ako makapaniwala.. Napakabatang actor.. Hindi mo aakalain na iyon na pala ang katapusan ng kanyang paglalakbay sa mundong ito... Labis po akong nakikiramay sa Pamilya Perez... Rest in peace Mr. A.J. Perez... We will miss you so much!!
Ang kamatayan ay hindi ang katapusan ng lahat.. Mayroon pa tayong dadatnang panibagong buhay doon sa Banal na Kaharian ng Dios.. Nawa'y maging maligaya ang buhay mo roon AJ..

Subscribe to:
Comments (Atom)