![]() |
| Diana Rose Manalo |
![]() |
| Alma Jean Schroth |
Unang araw pa lang ng klase eh may kaclose na ako.. Sila Diana Manalo at Jean Schroth.. Magbestfriend ang dalawang ito.. Si Diana, medyo nakakabiruan ko nung first year pero si Jean, we're not that close.. Ni hindi ko nga siya tinangkang kausapin noon eh..
Dumating yung time na nagkabangayan yung dalawang magbestfriend.. Sa mga oras na iyon buo na ang aming barkada (Ako, Clau, Diana, Danly at Jojie) kaya naman all-out support kami kay Diana.. Away kung away ika nga.. Hindi namin pinagkinggan ang kahit anong sabihin ni Jean.. Basta sa mata namin, si Diana ang laging tama..
![]() |
| Jojie, Marthy, Diana, Jeroma |
![]() |
| Clau and Marthy |
"Ganyan ka pala, animal!" iyan ang mga salitang tumagos hanggang sa puso ko.. Masakit, sobrang sakit.. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon.. Siguro nga huli na ang lahat.. Kailangan nang matapos ang aming pagkakaibigan..
Masakit man, humiwalay na ako sa grupo.. Si Jojie na tinuringan kong bestfriend, tuluyan ko nang pinakawalan.. Si Claudine, I don't think she deserve to have a friend.. Si Danly, wala naman siyang nagawang kasalanan eh.. Inosente sya.. Samantalang si Diana.. Malaki pa rin ang tiwala ko sa kanya.. Alam ko kasi na makakapagbagong buhay siya.. Alam kong babalik ang dating Diana na kilala ko..




No comments:
Post a Comment