Wednesday, October 27, 2010

October 25, 2010

Kakaibang kababalaghan ang nangyari.. 
Sa puntong iyon ay napagpasiyahan kong matulog sa San Vicente.. Lagpas alas-12 na nang kami'y magpasiyang matulog.. Isang bulong ang bumalot sa aking pandinig.. Sinasambit niya ang aking palayaw.. "teh, teh".. Paulit-ulit.. Kaya naman tinawag ko pinsan ko.. "Naririnig mo ba iyon?" sabi ko.. "Wag ka ngang manakot diyan" iyan naman ang sagot niya.. "Seryoso nga" sabi ko.. Kaya naman lumipat kami agad sa kabilang bahay.. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng pangyayari.. Kinikilabutan ako..

October 26-27, 2010

Anong oras na ako nakatulog.. 4:00 ng madaling araw na ata iyon kasi natapos na ang Barangay Love Stories.. Ewan ko ba kung bakit bigla ko na lamang naisip ang kamatayan.. Sabi ko sa sarili ko handa na ako kung mangyari man ito sa akin pero naguguluhanan parin ako hanggang ngayon.. Naku.. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin sa mga puntong iyon.. Pinipilit kong matulog na ngunit kahit nakapikit na ang mga mata ko ay nananatili pa ring gising ang aking diwa.. Ano-anong kaisipan ang pumapasok sa aking utak.. Hinihintay ko na lamang ang lumiwanag ang kapaligiran.. Ngunit hindi ko na ito nagawa.. Hindi ko namalayan ang aking paghimbing.. Nagising na lamang ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng aking kwarto.. Nandiyan si Tita Rhaquel, kinakausap ang aking mommy..

No comments:

Post a Comment