Wednesday, November 24, 2010

Ballroom Experience

November 7, 2010..



































Christmas... aha..

Merry Christmas!!

Ramdam na ramdam ko na ang tunay na simoy ng Pasko.. Hangin palang eh talaga namang tatayo ang balahibo mo sa sobrang lamig.. At para naman makumpleto Christmas namin ay sinimulan ko ng idecorate ang bahay namin pero hindi ganun kabongga...

So una kong nilagay ung Recycled Christmas Lantern... So itong Christmas Lantern na ito ay project namin sa art for the 3rd grading.. Enjoy syang gawin ah.. hehe..

Mga materials... DRINKING STRAW, DAYAMI, ALAMBRE, YARN, GARLANDS at saka kung anu anong pwedeng ipangdecorate dito..

Then, naglagay din ako ng mini Christmas tree.. Hehe.. wala lang trip lang.. Wala kasi akong magawa that day eh...Ayun.. Ang cute nga ng kinalabasan eh..

Friday, November 19, 2010

YES!!!!!!

Yes!! Top 4 ako ngaung 2nd grading.. Hindi ko talaga toh inaasahan.. as in talagang nashock ako nung i-announce yung mga top 10 kasi maraming bumaba at marami ding tumaas...

Ang tgal na rin nito pero ngaun ko lang nasulat sa aking blog kasi naman ang daming activities sa school.. Halos sumabog na nga ulo ko... Pero masaya din kasi ang daming happy moments... Syempre meron ding hindi maganda...

So unahin ko muna ung pangit...
1st grading, binigay na sa amin ni Ma'am Marcos ang mga Chapters na iroroleplay namin sa Noli Me Tangere.. So dapat 2nd grading kami magpeperform, eh nawalan kami ng time para dun, so ayun.. sabi ni mam marcos 3rd grading nalang daaw namin gawin.. so ang saya saya namin.. then suddenly, ang bilis dumating ng third grading... So kinakabahan ako ksi wala pa kaming praktis... We decided to have a one day practice na talagang itotodo namin para hindi madisappoint si mam marcos... Eh nagtampo ako ksi hindi nila ako pinapakinggan tapos ang ingay ingay pa ni JOJIE ( siya lang naman ung magaling kong classmate LOL) kanta siya ng kanta (wala namang ibubuga) so ayun nag walk out ako.. Hindi na kami nakapagpraktis... Monday, performance day na namin... Wala kaming nagawa kaya super galit sa amin ni mam marcos.. humingi kaming second chance... so talagang nagpraktis kami.. Kinabukasan, ang laki-laki ng plastik na dala ko, eh paano ba naman lahat ng props na kailangan namin sa roleplay, ako ang nagdala kainis nga eh... So hindi pa rin namin maayos na naperform pero may improvement.. hehe ang gulo noh..

Then, group 2 na..
Hindi roleplay ang ginawa nila.. Nagmodel model lang sila sa harap.. Galit na galit na galit na namn si Mam marcos.. pinarusahan niya kami ng 500 times "MAG-EEXERT NA PO KAMI NG EFFORT SA FILIPINO III" so ayun, hindi ako nakapagpass... :*( how sad...

Kainis.. Kainis.. kainis..

Sunday, November 14, 2010

DAD!!!!

Daddy,

Uhm.. Marami akong gusto sabihin sa'yo.. Pero hindi ko masabi ng personal sa iyo kasi nga, natatakot ako.. Ayokong magsalita ng mga masasakit na salita as long as I can kasi kahit papaano may galang ako sa iyo sa kabila ng lahat ng kasalanan mo... Syempre daddy kita, anak mo ako... 

Bata pa lang ako, iniidolo na kita kasi lahat ginagawa mo para sa pamilya natin then mahal na mahal mo pa si Mommy... Natatandaan ko noon, kapag nag-aaway kayo ni Mommy, umiiyak ako... Hindi ako titigil sa kakaiyak.. Ang sarap sa pakiramdam nung, inaala mo yung nakaraan... Nung buo pa yung pamilya... Siguro sa ngayun, hindi ko masasabi na mabubuo pang muli family natin kasi it's too complicated na..

1st year High School ako nung nagsimula iyang problemang iyan.. Noon ko narealize na mahirap pala kapag tumatanda na ang isang tao, kapag nagmamatured na siya... Nagsisimula na rin kasing pumasan ng problema... Mabigat... Hindi ko inaasahan na ganoon pala kabigat iyon... Pero wala yung bigat eh, ramdam na ramdam ko nun eh yung sakit.. Sobrang sakit... Pakiramdam ko sinusunog ako... Gusto man kitang awayin, hindi ko magawa.. Ewan ko ba kung bakit ganun... Hay naku..


Sa ngayun, wish ko lang na sana mabuo muli yung family natin, na magkasama-sam tayong muli at hindi ka na umalis pa... We don't like to lose you anymore if ever na mabuo muli family natin... Alam mo naman iyon... Kasi masakit talaga... Sobrang sakit...