September 2, 2011
Isa ito sa mga araw na hindi ko makakalimutan.. Isang nakakapagod na araw.. Sabi nga nila, naghalo ang kasiyahan at kalungkutan..
Kasi ngayong araw na ito, aalis ang isang napaka-importanteng tao sa paaralan ng Camba.. Isang tao na minsan nang nagbigay kaalaman sa mga estudyante nang nasabing paaralan.. Isang gurong tumatak sa kanilang isipan..
Ang gurong aking binabanggit ay si Mr. Francis "Frank" Guevarra..
Payat ang pangangatawan at mapupuna sa mukha ang mga marka ng katandaan.. Ganyan kung mailalarawan ko si Sir Frank.. Pero tulad nga ng sabi ng iba, siya ay isang napaka-ulirang ama at guro sa bawat estudyante sa Camba..
Mayroon ding paniniwala ang guro na ito.. "Makinig ang gustong makinig.. At sa mga ayaw makinig, wala naman akong karapatan para pilitin kayo".. Oo.. Ganyan nga siya.. Yung bang tipong nagsusuntukan na kayo dun sa pinakalikod, wala pa rin siyang pakielam.. Kaya nga minsan parang hindi na siya binibigyan ng respeto ng kanyang mga estudyante..
Isa talaga si Sir Frank sa mga gurong hinding hindi ko makakalimutan.. Unforgettable kasi talaga ang maging isang estudyante niya..
Bilang pasasalamat naman sa kanya ng section namin, hinandugan namin siya ng awitin.. At ang awiting iyon ay ang awitin ni Yeng Constantino na pinamagatang "Salamat"..
Friday, September 2, 2011
Thursday, September 1, 2011
LOSER
Hayy naku.. Ewan ko.. Masyadong naguguluhan ang pag-iisip ko.. Akala ko isang tipikal na araw lang toh.. Pero nagkamali ako... Sa isang salita, nagimbal ang lahat.. Natigil ang pag-ikot ng aking mundo at ang pagtakbo ng oras.. Tila ba, pinindot ni Lord ang pause button ng remote control ng life ko..
10:30 na nang umaga nang napagpasiyahan kong pumasok na sa school.. Kasi nga may practice kami para sa intermission number namin para sa Farewell Party ni Sir Frank.. Masaya kaming nagpraktis.. Bumuo ng mga plano..
Bandang 12:05 ng tanghali, pinatawag kami ng adviser namin na si Mrs. Changcoco.. Pagdating namin sa room, kanya-kanyang gawa ang bawat isa.. Merong gumagawa ng assignments sa ibang subject, merong nagrereview, merong nagmememorize ng report sa Filipino at mayroon ding nagsusulat ng lecture.. Pero tila napukaw ang atensyon ng lahat nang sabihin ng aming guro na iaanunsyo na niya ang top 10 ng aming klase.. Tahimik ang lahat.. Marami ang nagulat sa mga pangalan na nabanggit.. Ngunit nang matapos na ang pag-aanunsyo ay ako din mismo ang nagulat ng sobra.. Wala!! Bakit hindi nabanggit ang pangalan ko?? Nanlamig ako.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na iyon.. Kinakausap ako ng adviser ko ngunit parang wala ako sa aking sarili.. Ni hindi ko nga matandaan kung ano ang kanyang mga katanungan sa akin sa mga oras na yun at kung ano ang mga isinasagot ko sa kanya.. ANg tanging natatandaan ko lang ay nung puntong tinanong niya ako, "Malungkot ka ba?".. Parang natauhan ako sa tanong na iyon.. Marahan akong tumango.. Pero wala akong nararamdaman.. Parang biglang nagmanhid ang buo kong katawan.. Nabigla na lang ako sa biglaang pagtulo ng aking luha.. Hinagod ni Jojie yung likod ko, sabay sabing "okay lang yan".. Gusto kong magsalita pero di ko magawa.. Gusto kong sabihin na "nasasabi mo lang yan dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko".. Ngunit biglang sumigaw yung classmate ko, "ma'am umiiyak na po si marthy.." Peroo tila walang narinig ang aking guro.. Patuloy parin siya sa pagsasalita..
Buong araw, tulala lang ako.. Ewan ko ba kung bakit nagkakaganito ako.. haiisttt...

Subscribe to:
Comments (Atom)