Argghhh!! Naiinis talaga ako sa sarili ko.. Napakatorpe ko kasi.. Kaya kong sabihin na yung love ko siya pero hindi ko naman magawang ligawan... :'(
2nd year ako nung makilala ko ang babaeng hindi ko aakalain na makakapagpabago ng aking buhay.. Siya si Amira Velasquez.. Transferee siya.. Naging close kami.. Hindi naman sa close na close pero laging siya yung kasama ko.. Then i realized one day na nafall in love na ako sa kanya.. Hindi ko naman sinasadya ee.. Akala ko kaibigan lang talaga ang magiging turing ko sa kanya.. Dumating na dun sa point na tinatanong na ako ng mga classmates ko kung ano yung namumuo sa amin ni Amira.. Hanggang sa napaamin nila ako na gusto ko siya.. Hindi ko nga alam mararamdaman ko noon eh.. Meron nang gumaan yung loob ko kasi nasabi ko na yung nararamdaman ko at merun ding yung nahihiya na akong lumapit sa kanya...
Naging past time na ng mga matatabilang dila ng mga classmates ko yung feelings ko para kay Amira.. Ewan ko nga sa kanila eh.. Bakit ayaw nilang tigilan yung pang-iintriga nila sa amin.. Dumating pa yung punto na napagkatuwaan ako ng mga classmates ko at pinagpropose ako kay Amira.. Ako namn tong uto-uto.. Ayun nagpropose ako kay Amira...
3rd year ako nung pigilan ko yung feelings ko sa kanya.. Ayaw ko na kasing natsitsismis siya nang dahil sa akin.. At saka nandidiri siya sa akin dahil sa hitsura ko eh.. Kaya i decided to let her go.. Hindi ko na pinilit yung sarili ko sa kanya.. Hanggang sa isang araw, nagkaroon kami ng open forum.. And sa akin natapat yung question.. Sino daw ba mahal ko.. Sa point na iyon hindi ko alam ang isasagot ko.. Parang hindi ko na napigilan yung feelings ko at ayun sinabi ko sa harap nila na si Amira ang kaisa-isa kong mahal..
Last week na ng klase.. Normal lang nman yung araw eh.. Pero kinompronta ako ni Amira.. Gusto niya daw sumama sa akin at magpapakilala daw siya sa mga parents ko.. Hindi ako pumayag kasi alam ko pinaglalaruan niya lang ako pero nagulat ako sa sinabi niyang bakit hindi ko pa daw kasi siya ligawan.. That day, medyo tulala ako.. malalim ang iniisip... Hanggang sa napag-isip isip kong ligawan siya.. Kaya lang hindi ko magawa.. Sobrang torpe ko kasi at saka hindi ako marunong manligaw ee.. Takot din ako na baka masaktan lang ako..
Hindi lang niya alam kung gaano ko kagusto na ligawan siya pero hindi ko lang magawa kasi alam ko maraming nanliligaw sa kanya na mas gwapo sa akin.. Na mas malakas ang appeal.. Na hindi niya ikakahiya.. I always love her.. Hindi ko nga lang maipakita sa kanya ang pagmamahal ko.. :'(

No comments:
Post a Comment