Thursday, October 28, 2010

Panaginip..

Kagabi nanaginip ako.. It's a sad dream, a very very sad dream..

Ako si Marthy, 14 years old... May friend ako.. siya si Alice.. 16 years old..


Hindi ko ikakaila na may nangyari sa amin nang gabing iyon.. Lasing ako, lasing din siya.. Hindi namin alam ang aming ginagawa.. Nanatiling normal lamang ang aming pagsasama sa mga lumipas pang araw.. Hanggang sa sabihin niya sa akin na buntis siya at ako raw ang ama..


Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon.. Kaibigan lamang ang turing ko sa kaniya.. Sinabi ko ito sa aking mga magulang at ipinilit nila na sa aming pamamahay patirahin si Alice.. Sabi sa akin ng aking ina na sa aking kwarto matutulog si Alice ngunit tumanggi ako..



Lumipas ang araw, nahulog ang loob ko sa kanya.. Marahil sa pagmamahal na ipinakikita niya kahit hindi ko ito sinusuklian ni isang katiting ng pag-ibig.. Pinili namin siyang surpresahin.. Magtatapat ako sa kanya ng aking pag-ibig..





Handa na ang lahat ng kailangan.. Inimbita kami ng kanilang paaralan para sa isang malaking piging.. Napakalaki ng kanilang paaralan.. Manghang-mangha ako sa aking mga nakikita.. Ngunit sa pagkamanghang ito ay naalis sa aking paningin si Alice.. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng eskwelahan ngunit hindi ko siya makita hanggang sa umakyat ako sa pinakahuling palapag ng building.. Sa aking pag-akyat ay nasalubong ko ang kaniyang pinsan na si Carla Klenessa.. Itinanong ko rito kung nasaan ang kaniyang pinsa.. "Ayun oh" sabay turo sa may huling palapag.. Kasabay nito ang sigawan ng mga estudyante dito.. "Si Aice!" sigaw nila.. Mabilis akong umakyat ngunit huli na ang lahat.. Tuluyan  nang nawala si Alice sa akin.. Nahulog siya mula sa palapag na iyon.. 


Tumulo ang mga luha sa aking mga mata.. "Kung kailan minahal kita ng tunay, tsaka ka aalis".. Gusto kong isigaw sa buong mundo, "I Love You, Alice!" Ngunit huli na ang lahat, kahit gaano ko pa ito isigaw ay hindi na niya ito maririnig pa..








Nagising ako mula sa bangungot na ito.. Pilit kong sinasariwa ang bawat pangyayari.. Halos mangiyak-ngiyak pa ako sa mga oras na iyon.. Buti na lamang at bangungot lang ang lahat ng iyon..

No comments:

Post a Comment