Sunday, December 19, 2010

..JAMILLAH..

Ang post ko na ito ay para sa aking cousin na si Jamillah Solanzo...

Jamillah


Si Jamillah A.K.A. Meme ay itinuturing ko bilang isang napaka-espesyal na kaibigan ko... Simula pagkabata ay siya na ang aking kasa-kasama... Siya rin yung nagsilbi kong diary kasi alam na ata niyan yung buong talambuhay ko.. Minsan ay nagkakatalo rin kami at yun ang pinaka-ayaw na ayaw kong nangyayari kasi kung hindi niyo naitatanong eh, parang wala ka nang kapatawaran sa kanya kapag nagalit yan sa iyo...

Tandang-tanda ko pa, elementary kami ay palipat-lipat yan ng eskwelahan... Naging stable lang siya nung grade 5... Sa panahong iyun ay tuwang-tuwa ako kasi makakabonding ko lalo ang aking pinsan...

Noong nagHIGHSCHOOL ako, maraming dumating na problema sa buhay ko at si Jamillah ang naging sandalan ko... Masasabi ko na siya yung tipo ng tao na puno ng tiyaga at determinasyon... Madalas siyang pag-initan ng kanyang ate at mama.. Pero kahit na ganun hindi sya sumusuko.. Marami ring puna sa kanya ang mga taong nasa paligid ng kanyang makulay na mundo pero hindi niya pansin ang mga ito.. Ang mahalaga sa kanya ay yung masaya siya..

Rialyn..Lavinia.. Jamillah..



Sa pagtungtong niya sa panibagong yugto ng kanyang buhay ay marami siyang nakilalang kaibigan.. Ilan dito ay sina Rialyn at Lavinia... Naging matatag ang kanilang pagbabarkadahan ngunit tulad ng nakararaming pagkakaibigan ay nagkaroon ng mangilan-ngilang komplikadong problema ang kanilang barkada...

Sa yugto ding ito ay nakilala namin sa FB ang kaisa-isang kuya namin.. Si Kuya Jhay.. Pero dumating yung time na nawalan na siya ng time sa amin...

Sa ngayun balita ko sa aking cousin ay may bago na siyang friend... Yung tinatawag niyang "TWIN", hehe... Sa nakikita ko ngaun ay maganda naman ang takbo ng friendship nilang dalawa.. And i hope mas tumibay pa ito at magtagal  kasi dito ko nakikita ung happiness ni Jam..

Basta't masasabi ko lang kay Jamillah, kung nababasa mo man ito ay lagi lang akong nandito sa tabi mo... Masasandalan mo sa panahon ng kalungkutan.. Handa kang pangitiin at handa kang damayan... Basta atyu ku mu queni... Miss You so much...

Friday, December 17, 2010

CHRISTMAS PARTY (12-16-10)

Masaya ang Christmas Party namin.. Full of games and surprises...

Sinimulan namin ito sa isang maikling prayer then proceed kami sa first game.. The game is called "PINOY HENYO".. As i remember, isa lang ang nanalo at iyon yung pair nina JC at Jayson.. Then paper dance... Ang nanalo naman ay sina Alma and Rey Mark.. Sunod na game yung CHICHARON EATING CONTEST.. Kasali ako dito, partner ko si Jellyn.. Kaya lang natalo kami.. Nanaig sina JOJIE...

Isinunod na ni Ma'am Vickz yung dance contest.. So first na nagperform yung grupo nila Erika Pallasigue.. Isinayaw nila yung Waka-waka by Shakira.. They got 35 points... Then yung grupo namin... Tahimik ang lahat... Kaya nga inakala namin na hindi kami mananalo... So like what I've said, nanalo nga kami kasi nakakuha kami ng 40 points..

Kainan na.. Una naming nilapang yung Palabok ni Jannelle... Super sarap.. Then yung barbecue ni Erika Rose Fuentes... Tapos yung ice cream.. Then exchange gift.. Nakuha ko mga panyo.. hehe.. Then kainan ulit... Yung shanghai naman tinira namin... Then yung cake ni Monique nasayang lang kasi nagpahiran sila ng icing.. Pinakamasarap na part yung sa salad because it's my mother's specialty.. I love it very much...

:)) Super LIKE!!!

Wednesday, December 15, 2010

I'm Tired... :(

10 days to go before Christmas.. yehey!!

at ngayong araw na ito ay ang last day ng klase kasi tomorrow na ung most awaited Christmas Party namin and i love it so much... (excited na nga ako eh..)

As i said in the title ng post kong ito i'm tired, so tired... eh kasi naman lahat na lang ng responsibilities sa room namin ay sa akin nakapataw.. (note: ndi ako ang president..and i have no position so dapat wala akong tungkulin sa room..  am i right?? eh kaya lang ako ata yung totoong president).. Napakawalang kwenta ng president namin.. haii naku.. stressed na ako sa room.. so stressed talaga kaya ng hindi na ako tumuloy sa CAT kahit na may position na ako...

Ewan ko lang kung maayos ang Christmas Party namin tomorrow kasi naman ni program walang nagawa yung bwisit naming pres..  napaka-irresponsible niya talaga sobra..

Buti nalang at merong blog.. kasi dito ko lang na-eexpress yung feelings ko.. Heto na new bestfriend ko ngaun.. :)

By the way, good luck OXI-ANGELS.. go beat them... aha!!

*EXCITED* :D

Sunday, December 12, 2010

I came to dance.. dance.. dance!!

So this month, i became a dance instructor for free.. haha

Natatawa ng ako minsan eh.. Bakit ako pa?? hehe..

So first kong tinuruan yung mga classmates ni Deseree ( Pangalawa kong kapatid ).. Medyo luma na rin mga songs nila... Super nag-enjoy ako sa kanila then a week later sumunod itong grupo nila Ivy Lalaine..

Sabi nila ipeperfom daw nila ito sa GSP & BSP assembly... So pumayag ako.. (Of course, bait kasi ako eh.. hehe) So they requested some new songs.. na hindi pa naperform ng iba..

Medyo nahirapan ako pero heto yung list ng mga songs na itinuro ko sa kanila..

Dynamite- Taio Cruz
Material Girl- Madonna
California Girls- Katy Perry
Waka waka- Shakira
Buttercup- The Foundation
Sumunod Sumayaw- Sexbomb

Thank God, It was successful..

GSP & BSP ASSEMBLY DAY ( DECEMBER 10, 2010 )

Kabado ang lahat... Pero may kahalong excitement... Hindi na nga ako nakapagform sa CAT eh.. Gumawa nalang ako ng dahilan para lang hindi makapagform.. So ayun, diretso ako sa skul... Super saya nila akong sinalubong.. Ako naman, ayun nervous to the max..
Shaine & Regine

Then kinagabihan, mga 6:30 na siguro iyun.. Nalaman ko na lang na sil Evangeline, Regine, at Shaine (mga dati kong classmates) yung nagturo sa Patrol 3.. Lalo akong kinabahan..

The PATROL I
Tapos na yung bonfire lighting (kakatawa nga eh kaagad sinindihan nung guard haha.. sabi ko "Baka boy scout yung guard as in "laging handa" hehe).. Patrol 1 kaagad yung nag perform.. Sa una, okay siya but in the middle part od the dance medyo iba-iba na yung steps nila... But when the judge commented on their performance, kaagad napuri yung choreography... And i love it very much.. 3rd place nga lang.. :(( huhu..

PATROL 3 na ang nagpeperform, ito yung representative ng mga classmates ko.. Ang galing nila, sabay sabay talaga at todo kembot.. hehe kaya nga pati mga judge napasayaw.. Sila nga pala yung nanalo.. so eto lang ang masasabe ko... -- CONGRATULATIONS!

The PATROL 4
PATROL 4 - Ito yung mga tinuruan ni Ate Thalene.. Bongga!! ito lang ang masasabi ko sa performance nila kasi fabulous siya... hehe.. Kasali dito yung bunso kong kapatid, si Kaye.. Na-amazed ako ng sobra.. but suddenly, 2nd runner up lang sila.. :( How sad..

Then, kanina lang i practiced our dance entry for our upcoming Christmas party.. Kasama kong nagpractice yung kasambahay namin na si Anna( 15 years old siya, as usual bisaya )..

Wednesday, November 24, 2010

Ballroom Experience

November 7, 2010..



































Christmas... aha..

Merry Christmas!!

Ramdam na ramdam ko na ang tunay na simoy ng Pasko.. Hangin palang eh talaga namang tatayo ang balahibo mo sa sobrang lamig.. At para naman makumpleto Christmas namin ay sinimulan ko ng idecorate ang bahay namin pero hindi ganun kabongga...

So una kong nilagay ung Recycled Christmas Lantern... So itong Christmas Lantern na ito ay project namin sa art for the 3rd grading.. Enjoy syang gawin ah.. hehe..

Mga materials... DRINKING STRAW, DAYAMI, ALAMBRE, YARN, GARLANDS at saka kung anu anong pwedeng ipangdecorate dito..

Then, naglagay din ako ng mini Christmas tree.. Hehe.. wala lang trip lang.. Wala kasi akong magawa that day eh...Ayun.. Ang cute nga ng kinalabasan eh..

Friday, November 19, 2010

YES!!!!!!

Yes!! Top 4 ako ngaung 2nd grading.. Hindi ko talaga toh inaasahan.. as in talagang nashock ako nung i-announce yung mga top 10 kasi maraming bumaba at marami ding tumaas...

Ang tgal na rin nito pero ngaun ko lang nasulat sa aking blog kasi naman ang daming activities sa school.. Halos sumabog na nga ulo ko... Pero masaya din kasi ang daming happy moments... Syempre meron ding hindi maganda...

So unahin ko muna ung pangit...
1st grading, binigay na sa amin ni Ma'am Marcos ang mga Chapters na iroroleplay namin sa Noli Me Tangere.. So dapat 2nd grading kami magpeperform, eh nawalan kami ng time para dun, so ayun.. sabi ni mam marcos 3rd grading nalang daaw namin gawin.. so ang saya saya namin.. then suddenly, ang bilis dumating ng third grading... So kinakabahan ako ksi wala pa kaming praktis... We decided to have a one day practice na talagang itotodo namin para hindi madisappoint si mam marcos... Eh nagtampo ako ksi hindi nila ako pinapakinggan tapos ang ingay ingay pa ni JOJIE ( siya lang naman ung magaling kong classmate LOL) kanta siya ng kanta (wala namang ibubuga) so ayun nag walk out ako.. Hindi na kami nakapagpraktis... Monday, performance day na namin... Wala kaming nagawa kaya super galit sa amin ni mam marcos.. humingi kaming second chance... so talagang nagpraktis kami.. Kinabukasan, ang laki-laki ng plastik na dala ko, eh paano ba naman lahat ng props na kailangan namin sa roleplay, ako ang nagdala kainis nga eh... So hindi pa rin namin maayos na naperform pero may improvement.. hehe ang gulo noh..

Then, group 2 na..
Hindi roleplay ang ginawa nila.. Nagmodel model lang sila sa harap.. Galit na galit na galit na namn si Mam marcos.. pinarusahan niya kami ng 500 times "MAG-EEXERT NA PO KAMI NG EFFORT SA FILIPINO III" so ayun, hindi ako nakapagpass... :*( how sad...

Kainis.. Kainis.. kainis..

Sunday, November 14, 2010

DAD!!!!

Daddy,

Uhm.. Marami akong gusto sabihin sa'yo.. Pero hindi ko masabi ng personal sa iyo kasi nga, natatakot ako.. Ayokong magsalita ng mga masasakit na salita as long as I can kasi kahit papaano may galang ako sa iyo sa kabila ng lahat ng kasalanan mo... Syempre daddy kita, anak mo ako... 

Bata pa lang ako, iniidolo na kita kasi lahat ginagawa mo para sa pamilya natin then mahal na mahal mo pa si Mommy... Natatandaan ko noon, kapag nag-aaway kayo ni Mommy, umiiyak ako... Hindi ako titigil sa kakaiyak.. Ang sarap sa pakiramdam nung, inaala mo yung nakaraan... Nung buo pa yung pamilya... Siguro sa ngayun, hindi ko masasabi na mabubuo pang muli family natin kasi it's too complicated na..

1st year High School ako nung nagsimula iyang problemang iyan.. Noon ko narealize na mahirap pala kapag tumatanda na ang isang tao, kapag nagmamatured na siya... Nagsisimula na rin kasing pumasan ng problema... Mabigat... Hindi ko inaasahan na ganoon pala kabigat iyon... Pero wala yung bigat eh, ramdam na ramdam ko nun eh yung sakit.. Sobrang sakit... Pakiramdam ko sinusunog ako... Gusto man kitang awayin, hindi ko magawa.. Ewan ko ba kung bakit ganun... Hay naku..


Sa ngayun, wish ko lang na sana mabuo muli yung family natin, na magkasama-sam tayong muli at hindi ka na umalis pa... We don't like to lose you anymore if ever na mabuo muli family natin... Alam mo naman iyon... Kasi masakit talaga... Sobrang sakit...

Thursday, October 28, 2010

Panaginip..

Kagabi nanaginip ako.. It's a sad dream, a very very sad dream..

Ako si Marthy, 14 years old... May friend ako.. siya si Alice.. 16 years old..


Hindi ko ikakaila na may nangyari sa amin nang gabing iyon.. Lasing ako, lasing din siya.. Hindi namin alam ang aming ginagawa.. Nanatiling normal lamang ang aming pagsasama sa mga lumipas pang araw.. Hanggang sa sabihin niya sa akin na buntis siya at ako raw ang ama..


Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon.. Kaibigan lamang ang turing ko sa kaniya.. Sinabi ko ito sa aking mga magulang at ipinilit nila na sa aming pamamahay patirahin si Alice.. Sabi sa akin ng aking ina na sa aking kwarto matutulog si Alice ngunit tumanggi ako..



Lumipas ang araw, nahulog ang loob ko sa kanya.. Marahil sa pagmamahal na ipinakikita niya kahit hindi ko ito sinusuklian ni isang katiting ng pag-ibig.. Pinili namin siyang surpresahin.. Magtatapat ako sa kanya ng aking pag-ibig..





Handa na ang lahat ng kailangan.. Inimbita kami ng kanilang paaralan para sa isang malaking piging.. Napakalaki ng kanilang paaralan.. Manghang-mangha ako sa aking mga nakikita.. Ngunit sa pagkamanghang ito ay naalis sa aking paningin si Alice.. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng eskwelahan ngunit hindi ko siya makita hanggang sa umakyat ako sa pinakahuling palapag ng building.. Sa aking pag-akyat ay nasalubong ko ang kaniyang pinsan na si Carla Klenessa.. Itinanong ko rito kung nasaan ang kaniyang pinsa.. "Ayun oh" sabay turo sa may huling palapag.. Kasabay nito ang sigawan ng mga estudyante dito.. "Si Aice!" sigaw nila.. Mabilis akong umakyat ngunit huli na ang lahat.. Tuluyan  nang nawala si Alice sa akin.. Nahulog siya mula sa palapag na iyon.. 


Tumulo ang mga luha sa aking mga mata.. "Kung kailan minahal kita ng tunay, tsaka ka aalis".. Gusto kong isigaw sa buong mundo, "I Love You, Alice!" Ngunit huli na ang lahat, kahit gaano ko pa ito isigaw ay hindi na niya ito maririnig pa..








Nagising ako mula sa bangungot na ito.. Pilit kong sinasariwa ang bawat pangyayari.. Halos mangiyak-ngiyak pa ako sa mga oras na iyon.. Buti na lamang at bangungot lang ang lahat ng iyon..

Wednesday, October 27, 2010

October 25, 2010

Kakaibang kababalaghan ang nangyari.. 
Sa puntong iyon ay napagpasiyahan kong matulog sa San Vicente.. Lagpas alas-12 na nang kami'y magpasiyang matulog.. Isang bulong ang bumalot sa aking pandinig.. Sinasambit niya ang aking palayaw.. "teh, teh".. Paulit-ulit.. Kaya naman tinawag ko pinsan ko.. "Naririnig mo ba iyon?" sabi ko.. "Wag ka ngang manakot diyan" iyan naman ang sagot niya.. "Seryoso nga" sabi ko.. Kaya naman lumipat kami agad sa kabilang bahay.. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng pangyayari.. Kinikilabutan ako..

October 26-27, 2010

Anong oras na ako nakatulog.. 4:00 ng madaling araw na ata iyon kasi natapos na ang Barangay Love Stories.. Ewan ko ba kung bakit bigla ko na lamang naisip ang kamatayan.. Sabi ko sa sarili ko handa na ako kung mangyari man ito sa akin pero naguguluhanan parin ako hanggang ngayon.. Naku.. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin sa mga puntong iyon.. Pinipilit kong matulog na ngunit kahit nakapikit na ang mga mata ko ay nananatili pa ring gising ang aking diwa.. Ano-anong kaisipan ang pumapasok sa aking utak.. Hinihintay ko na lamang ang lumiwanag ang kapaligiran.. Ngunit hindi ko na ito nagawa.. Hindi ko namalayan ang aking paghimbing.. Nagising na lamang ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng aking kwarto.. Nandiyan si Tita Rhaquel, kinakausap ang aking mommy..

Sunday, October 24, 2010

FTW! For The Win!

It's already semestral break! As ussual, I'm glad.. Hehe..

Here are the thing i must be doing during the semestral break period..

1.) Singing.. LOL..
I'm love this stuff.. I don't know what will happen to my life without MUSIC.. I have many voice recording software.. Why?? Because i'm recording my own version of my favorite songs especially "Dance With My Father"..

*Why I love this song very much??
There's a story in this song.. It is all about a father that has gone to his family.. And i can relate to the story.. Last Year, I have lost my Dad.. He left us.. And i miss him so much.. That's why i really really love this song.. :(.. (drama)

2.) Chat..
I'm chatting with my friends and relatives.. hehe.. Even though, I'm always with them.. hehe

3.)Blogging..
For now, this is my online diary.. I can express my feeling here..

4.)Dancing..
Haha.. When I'm in my room, I always getting crazy.. I dance, dance, dance and dance until i get sleepy..

5.) Watch my favorite tv shows..

That's all thank you.. :))

Saturday, October 23, 2010

2nd year..

Masaya ang Second Year life ko.. dito na ako nagseryoso ng studies.. hehe.. Hindi naman sa pagmamalaki eh kasama ako sa Top 10 sa aming klase.. Ang sarap sarap nung feeling ko noon.. Akala ko magtutuloy-tuloy ito pero nagkamali ako..
Diana Rose Manalo
Alma Jean Schroth

Unang araw pa lang ng klase eh may kaclose na ako.. Sila Diana Manalo at Jean Schroth.. Magbestfriend ang dalawang ito.. Si Diana, medyo nakakabiruan ko nung first year pero si Jean, we're not that close.. Ni hindi ko nga siya tinangkang kausapin noon eh..

 Dumating yung time na nagkabangayan yung dalawang magbestfriend.. Sa mga oras na iyon buo na ang aming barkada (Ako, Clau, Diana, Danly at Jojie) kaya naman all-out support kami kay Diana.. Away kung away ika nga.. Hindi namin pinagkinggan ang kahit anong sabihin ni Jean.. Basta sa mata namin, si Diana ang laging tama..

Jojie, Marthy, Diana, Jeroma
Nagtagal din ang aming pagkakaibigan ngunit kinailangan mangibang bansa si Danly.. Nalungkot kaming lahat specially si Claudine.. Simula noon, puro delubyo na ang inabot nang grupo.. Una ang cutting scandal kay Ma'am Suva.. Totoo! Nagcutting kami.. At pinagsisisihan ko ito.. Dahil dito, nasira ang pangalan ko.. Nag-iba ang tingin sa akin ng mga teachers.. Nagawa rin naming magsinungaling para kay Diana..  Para lang talaga sa kaibigan, gagawin namin ang lahat no matter what it takes.. Nagcutting muli ang grupo.. Not actually cutting pero masasabi kong cutting na rin yun (take note hindi ako kasama kasi nagpromise ako kay Ma'am Suva na hindi ko na iyon uulitin).. Nagkaaway kami ni Claudine dahil sa kaganapang iyon..
Clau and Marthy


"Ganyan ka pala, animal!" iyan ang mga salitang tumagos hanggang sa puso ko.. Masakit, sobrang sakit.. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon.. Siguro nga huli na ang lahat.. Kailangan nang matapos ang aming pagkakaibigan..

Masakit man, humiwalay na ako sa grupo.. Si Jojie na tinuringan kong bestfriend, tuluyan ko nang pinakawalan.. Si Claudine, I don't think she deserve to have a friend.. Si Danly, wala naman siyang nagawang kasalanan eh.. Inosente sya.. Samantalang si Diana.. Malaki pa rin ang tiwala ko sa kanya.. Alam ko kasi na makakapagbagong buhay siya.. Alam kong babalik ang dating Diana na kilala ko..

Friday, October 22, 2010

INTRODUCTION..

I'm Marthy Robins Canlas Cunanan. 14 years of age. I live in Mapalad, Arayat, Pampanga Philippines. My mother is Liliwen Pangilinan Canlas Cunanan while my father is Luisito Manalang Cunanan. I have two little sisters named Deseree Cunanan and Kathleen Kaye Cunanan. I can be your friend, brother, lover and adviser. I love music. Lady Gaga, Katy Perry, Bruno Mars, Westlife, A1, Celine Dion, Joe McElderry and many more great singers. They are my idols. I want to be like them. Famous and Fabulous. I had my bestfriend, Jamillah Canlas Solanzo. Actually, she's my cousin. She's the 2nd daughter of the little sister of my mom. She's funny, joyful, music lover, k-pop addicted.


SCHOOL..

I'm studying in Camba National High School Arayat, Pampanga Philippines. I love my teachers. They are so great like Mrs. Elvira Sabalo, Mrs. Norminda Mayrina, Mrs. Mary Jane Luriz, Mrs. Victoria Flores, Mrs. Marissa Marcos and Mrs. Jenalyn Hipolito. I had my friends there. Friends that I have never thought that they would betrayal me. Friends that i love the most. Friends that i thought they will not leave me in times of sorrows.

TALENTS..

I have many talents. I can sing, I can dance, in fact, i always joining the yearly cheer dance competition in our school, i can also draw, i can write columns (I'm a editorial writer in our campus newspaper), they also said that i'm a good speaker, i can report well, i can elaborate all the topics they give to me, i can direct a movie clip.

MY BIO..

Year 1996, March 24.. A cute boy has born at Dr. Emigdio Cruz Hospital. That boy is ME. My name(Marthy Robins) is given to me by my grandfather. Year 2002 when i entered kindergarten, my teacher is Mr. Maximo Cudia. Year 2004, i have awarded as the Most Polite. Year 2008, i graduated in my elementary level. Year 2009, i entered high school, i'm in the SPED section ( the highest section ). But in my 2nd year, i have transferred in pro visionary section. I'm so sad. But i have the chance to have my BARKADAs. Diana Manalo, Claudine Quiambao, Danly Miranda, Jojie Cortez. I love them very much. But sad to say, i have to let them go because they are bad influences. Ma'am Sab and Ma'am Suva made me realize that. I'm so thankful to them.

INTRAMURAL.. CHEER DANCE

I'm in 1st year when i first joined the cheer dance group. It is so fun. But sad to say, we lose the game. This year, i have joined it again. Our performance is so Fabulous.. That's what they say, but our INTRAMURALS is our cooking day. And we are the main ingredients. I hate that part, I hate it, I hate it, I hate it! They are so MEAN.

RANK..

2nd year:
1st Grading- 5th
2nd Grading- 8th
3rd Grading- I have vanished.. hehe
4th Grading- 7th

3rd Year
1st Grading- 5th



This is ME, This is MARTHY