Monday, November 14, 2011

gunita

Ang daming pagsubok na dumating sa buhay ko.. May madali, may mahirap.. Ang sigurado ko lang, ang mga ito ang patuloy na nagpapatibay sa aking buhay.. Tumutulong upang magliwanag ang landas na aking tutunguhin..

"Hello!!" -- iyan ang madalas na mamutawi sa aking bibig.. Ako'y tila kandidato sa eleksyon na nangangalap ng boto sa bawat estudyanteng masalubong.. Marahil ang iba dyan, iniisip na pa-epal ako kaya ko ginagawa yun.. Pero nagkakamali sila.. Ang mga estudyanteng yan, kahit na hindi ko masasabing "CLOSE FRIEND" ko ay minsang naging parte na yan ng buhay ko.. Mayroong mga naging schoolmates/classmate ko nung elementary, mayroon namang naging kasamahan ko sa Cheering squad.. Kahit na hindi ko sila naging kalapit, kabilang pa rin sila sa mga nagbigay kulay sa buhay ko.. Ewan ko ba kung bakit nagkukwento ako ng mga ganitong bagay.. Marahil sa kadahilanang malungkot ako ngayon..

Ang parteng ito ng buhay ko ay ang parteng masasabi kong halos wala na akong malapitan/masandalan sa kabila ng sobrang kalungkutan na aking nararamdaman.. Marahil di nila ramdam dahil kaagad na bumubungad sa kanila ang ngiti sa aking mukha, kaagad na naririnig nila ang napakalakas na halakhak galing sa aking bibig.. Ngunit ang mga ito ay paraan ko lamang para maikubli ang tunay na hinanakit ng puso ko..

Tila walang katapusan ang gabi.. Nababalot ng dilim ang buong paligid sinabayan pa ng panaka-nakang  pagbagsak ng ulan.. Gusto kong titigan ang mga bituin ngunit takot ako.. Sa madaling salita, gusto kong hangarin ang aking mga pangarap ngunit takot ako.. Takot na baka hindi ko ito maabot at ako'y tuluyang masaktan..

Nitong nakaraan, nagtuloy-tuloy ang pagkahilig ko sa pagbabasa.. Pagbabasa ng mga librong inilimbag ni Ginoong Bob Ong.. Laking pasasalamat ko sa mga libro niya dahil nabasa ko doon ang tunay na kahulugan ng buhay.. Dahil dito, lalo tuloy nadagdagan ang pagka-emo ko.. Minsan nag-iisa ako sa asotea, nagpapahangin.. Inaalala lahat ng mga nangyari sa aking nakaraan.. Yung mga dati kong BESTFRIENDS na talaga namang pinagkatiwalaan ko.. Gustong kong ibalik yung mga panahong nagkamali ako at naligaw ng landas..

Sa kasalukuyan, may BESPREN ako.. At mayroon ding pangalan na isinisigaw ng puso ko.. Sapat na sila para makuntento ako sa buhay ko.. Halos wala namang kulang sa buhay ko ee..