Sunday, November 14, 2010

DAD!!!!

Daddy,

Uhm.. Marami akong gusto sabihin sa'yo.. Pero hindi ko masabi ng personal sa iyo kasi nga, natatakot ako.. Ayokong magsalita ng mga masasakit na salita as long as I can kasi kahit papaano may galang ako sa iyo sa kabila ng lahat ng kasalanan mo... Syempre daddy kita, anak mo ako... 

Bata pa lang ako, iniidolo na kita kasi lahat ginagawa mo para sa pamilya natin then mahal na mahal mo pa si Mommy... Natatandaan ko noon, kapag nag-aaway kayo ni Mommy, umiiyak ako... Hindi ako titigil sa kakaiyak.. Ang sarap sa pakiramdam nung, inaala mo yung nakaraan... Nung buo pa yung pamilya... Siguro sa ngayun, hindi ko masasabi na mabubuo pang muli family natin kasi it's too complicated na..

1st year High School ako nung nagsimula iyang problemang iyan.. Noon ko narealize na mahirap pala kapag tumatanda na ang isang tao, kapag nagmamatured na siya... Nagsisimula na rin kasing pumasan ng problema... Mabigat... Hindi ko inaasahan na ganoon pala kabigat iyon... Pero wala yung bigat eh, ramdam na ramdam ko nun eh yung sakit.. Sobrang sakit... Pakiramdam ko sinusunog ako... Gusto man kitang awayin, hindi ko magawa.. Ewan ko ba kung bakit ganun... Hay naku..


Sa ngayun, wish ko lang na sana mabuo muli yung family natin, na magkasama-sam tayong muli at hindi ka na umalis pa... We don't like to lose you anymore if ever na mabuo muli family natin... Alam mo naman iyon... Kasi masakit talaga... Sobrang sakit...

No comments:

Post a Comment