Sunday, December 19, 2010

..JAMILLAH..

Ang post ko na ito ay para sa aking cousin na si Jamillah Solanzo...

Jamillah


Si Jamillah A.K.A. Meme ay itinuturing ko bilang isang napaka-espesyal na kaibigan ko... Simula pagkabata ay siya na ang aking kasa-kasama... Siya rin yung nagsilbi kong diary kasi alam na ata niyan yung buong talambuhay ko.. Minsan ay nagkakatalo rin kami at yun ang pinaka-ayaw na ayaw kong nangyayari kasi kung hindi niyo naitatanong eh, parang wala ka nang kapatawaran sa kanya kapag nagalit yan sa iyo...

Tandang-tanda ko pa, elementary kami ay palipat-lipat yan ng eskwelahan... Naging stable lang siya nung grade 5... Sa panahong iyun ay tuwang-tuwa ako kasi makakabonding ko lalo ang aking pinsan...

Noong nagHIGHSCHOOL ako, maraming dumating na problema sa buhay ko at si Jamillah ang naging sandalan ko... Masasabi ko na siya yung tipo ng tao na puno ng tiyaga at determinasyon... Madalas siyang pag-initan ng kanyang ate at mama.. Pero kahit na ganun hindi sya sumusuko.. Marami ring puna sa kanya ang mga taong nasa paligid ng kanyang makulay na mundo pero hindi niya pansin ang mga ito.. Ang mahalaga sa kanya ay yung masaya siya..

Rialyn..Lavinia.. Jamillah..



Sa pagtungtong niya sa panibagong yugto ng kanyang buhay ay marami siyang nakilalang kaibigan.. Ilan dito ay sina Rialyn at Lavinia... Naging matatag ang kanilang pagbabarkadahan ngunit tulad ng nakararaming pagkakaibigan ay nagkaroon ng mangilan-ngilang komplikadong problema ang kanilang barkada...

Sa yugto ding ito ay nakilala namin sa FB ang kaisa-isang kuya namin.. Si Kuya Jhay.. Pero dumating yung time na nawalan na siya ng time sa amin...

Sa ngayun balita ko sa aking cousin ay may bago na siyang friend... Yung tinatawag niyang "TWIN", hehe... Sa nakikita ko ngaun ay maganda naman ang takbo ng friendship nilang dalawa.. And i hope mas tumibay pa ito at magtagal  kasi dito ko nakikita ung happiness ni Jam..

Basta't masasabi ko lang kay Jamillah, kung nababasa mo man ito ay lagi lang akong nandito sa tabi mo... Masasandalan mo sa panahon ng kalungkutan.. Handa kang pangitiin at handa kang damayan... Basta atyu ku mu queni... Miss You so much...

No comments:

Post a Comment